Infinito: Salinlahi-Chapter 73
Chapter 73 - 73
Matapos maibaba ang lahat ng sako ay pinagtulungan naman nina Ismael, Esmeralda at Liyab na ipasok ang mga ito sa loob ng bahay nila.
Noon lang din napansin ni Esmeralda na wala roon ang mga anak ni Silma. Nang tanungin naman niya ay pinapunta raw niya sa maynila at doon na muna pinatuloy sa kaibigan niya. Tumango lang si Esmeralda at sumang-ayon sa naging desisyon ng tiyahin niya.
Mas maigi nga namang malayo ang mga ito sa gulo. Wala rin naman silang kinalaman sa naging gulo noon kaya mas mabuting malayo sila at ligtas. Matapos nga nilang maisaayos ay maparte-parte ang mga asin at bawang, ang sunod naman nilang ginawa ay mag-set ng mahabang lamesa sa labas ng kanilang bakuran.
Lahat ng kapitbahay ay lumapit upang kumuha ng asin at mga bawang doon. Kahit ang mga pulubing nasa kalsada nanunuluyan ay binigyan nila at pinaalalahanan na mas mabuti kung doon sila manatili sa covered court ng baranggay.
"Sa tingin niyo ba ay papayagan kami ni kapitan na manatili roon?" tanong ng isang matandang pulubi, bitbit nito ang isang batang halos nasa limang taong-gulang pa lamang. Kilala ni Esmeralda ang matanda, dahil lagi niya itong nakikitang nangangalakas sa daan kasama ang apo niya. Minsan na rin niya itong inalok na doon magtrabaho sa bukid, pero ayaw niya, dahil raw natatakot siya sa mga nakikitang nilalang doon.
"Manong Efren, bakit hindi ka na lang doon sa amin tumuloy. Sabi ko naman sa inyo na laging bukas ang bukid sa mga tulad niyo," sabad ni Esmeralda at tila nabahala naman ang matanda. Napatitig rin ito sa dalaga at tila hindi alam ang sasabihin.
"Lolo, gusto ko po doon sa bukid. Nakita ko po may mga bata doon, at marami sila." malumanay na wik ang kaniyang apo. Gusgusin ang batang iyon at payat rin, katulad ng kaniyang lolo.
"Hay naku Mang Efren, pumayag ka na, maraming kubo doon sa bukid at kung gusto niyo, puwede naman kayong magtayo ng sarili niyo sa lupa ni itay," komento naman ni Silma habang inaabot ang dalawang supot ng asin at bawang. "Hindi rin kayo magugutom roon at tigilan niyo na ang pangangalakal, tingnan niyo naman iyang apo niyo, gusgusin na nga, sobrang payat pa. Maawa ka naman sa bata at sa sarili mo."
Dahil sa sinabi ni Silma ay sumang-ayon naman ang mga kapitbahay nila. Dating may kaya ang pamumuhay ni Mang Efren ngunit dahil sa mga kamag-anak nitong mga ganid sa pera, matapos makuha ang lahat sa kaniya ay pinagtabuyan na siya at ang naiwan sa kaniya ay ang anak ng namayapa niyang anak.
Wala nang nagawa si Mang Efren nang udyukin siya ng mga tao na tanggapin ang alok ng pamilya ni Esmeralda. Dati pa man ay nais na niyang tulungan ang matanda, hindi lang siya namimilit dahil na rin ayaw niyang labag sa kalooban nito ang pagtira sa kanila.
"Huwag ho kayong mag-alala Manong, hindi naman nananakit ang mga nilalang na nakapalibot sa bukid." wika ni Esmeralda at nanlaki ang mga mata ng matanda.
"Alam mo?"
Ngumiti ang dalaga. "Alam ko, nakikita mo sila at natatakot ka dahil baka saktan nila ang apo mo. Maiba ako, manong, may lahi ka bang albularyo?"
Tahimik na tumango ang matanda habang naglalakad sila patungo sa bukid. Napahigpit naman ang kamay nitong nakahawak sa kaniyang apo.
"Pero hindi ako albularyo. Ang totoo niyan, tinakasan ko ang responsibilad na iyon, kaya siguro nagkaganito ang buhay ko. Dahil hindi ko tinanggap ang alok ng mga gabay. Natatakot kasi akong mamatay katulad ng aking tatay. Nang mga panahong iyon kasi, pinagbubuntisd na ng asawa ko ang panganay namin, kaya ayokong maulila ang mga ito sa ama ng maaga. Akala ko, ayos lang, dahil naging magaan namana ng buhay ko matapos kong tumanggi, pero nagkamali pala ako. Kaya heto ako ngayon, isang pulubi na kahit makain ay wala." malungkot na wika ng matanda.
Tumango naman si Esmeralda at napabuntong-hininga. Tinapik niya ang balikat ni Mang Efren at nginitian ito.
"Sa tingin ko, may ilang bagay ka lamang na hindi naintindihan sa mga nangyayari sa buhay mo Manong. Hayaan niyo, kapag naroon na kayo sa bukid, pagnilayan mo ang lahat, makkakatulong iyon. Kausapin mo ang kalikasan, malay mo, makipag-ugnayan ang mga gabay sa'yo at maipaliwanag nila ang lahat. Unang kita ko pa lang kasi sayo noon, alam ko nang may kakaiba sa'yo. Kaya nga 'di ba palagi kitang kinukulit noon. Hindi pa naman huli ang lahat, hindi ka pa ganoon katanda, malay mo naman, matuwid mo pa ang landas na dapat ay tinatahak mo ngayon."
Nang marating nila ang bukid ay pansamantalang tumuloy si Mang Efren at apo nitong si Maria sa kubo niya. Sakto namang napalakihan na iyon dahil sa pagtuloy doon ng lola at tiyahin niya. Kung titingnan mo sa malayo, ang bukid ay nagmistula ng isang maliit na baryo, na kakambal ng baryo ng Luntian.
Agad namang nagkausap si Lola Haraya at Mang Efren pagkadating habang si Maria ay inaya naman ni Dodong para maglaro sa labas kasama ang iba pang mga bata.
"Hindi naman sa natatakot ako, pero ayokong maulila si Maria. Napakabata pa niya at matanda na rin ako. Hindi ko na kakayanin ang mga pakikipaglaban lalo na sa mga aswang. Kung ito ang parusa sa akin ng mga gabay, sisikapin ko maitaguyod ang apo ko nang wala ang tulong nila." Giit ni Efren. Nagkatinginan naman si Haraya at ang dalawang apo niya. Habang napapailing naman si Harani.
"Hindi parusa ng mga gabay ang nangyayari sa iyo. Kun'di parusa ng tadhana mo. Ang manggamot ang obligasyon mo at hindi ang makipaglaban. Trabaho iyon ng manunugis, Efren. Nararamdaman kong na sa'yo pa rin ang kakayahan mo, hindi ito kinuha ng mga gabay at naghihintay lang sila na tanggapin mo ito. Bakit hindi mo subukan?" Pangungumbinsi ni Haraya.
Marahas na napabuga ng hangin si Efren at napayuko, tila nag-iisip ng malalim. Maya-maya naman ay napatingala siya at muling bumuga ng hangin.
"Maaari ko bang pag-isipan muna?" Tanong ni Efren. Napangiti pareho sina Esmeralda sa narinig. Ibig sabihjn, may pag-asang magkaroon pa ng isang albularyo sa hanay nila. Kakailanganin kasi nila ito dahil hindi kakayanin ni Ismael kung marami ang magiging sugatan o nangangailangan ng tulong.
Nakangiting tumango si Haraya at tinapik ang balikat ng matanda.
"Pakiwari ko'y nasa singkwenta ka pa lang, hindi pa huli kung tatanggapin mo ang tagna mo. Likas sa'yo ang panggagamot kaya huwag kang mag-alala. Sa oras na makapagdesisyon ka, kusa kang gagabayan ng iyong mga gabay. " Saad ni Haraya at tumango naman si Efren.
New novel chapters are published on freewёbn૦νeɭ.com.
Hapon nang muling maglibot sina Esmeralda at Liyab sa buong bayan ng luntian. At habang ginagawa nila iyon, isa-isa namang pinapaliwanag ni Liyab sa kaniya ang tungkol sa lugar. Maging ang kabundukang minsan nilang tinirahan ay pinaliwanag rin ng binata. Sa kanilang paglalakad, hindi naman nakawala sa mga mata ni Esmeralda ang mga dalagang nagnanakaw ng tingin sa kaniyang kapatid. Napangisi siya at kinurot ng bahagya ang binata.
"O, bakit? Hindi ka na naman nakikinig."
Natawa si Esmeralda. "Nakikinig ako, kaso nagugulo ang pakikinig ko ng mga matang nakatingin sa'yo."
Pag-angat ng paningin ni Liyab ay doon niya nakita ang mga kababaihang nagkumpulan sa isang gilid.
Lalong natawa naman si Esmeralda nang magtilian ang mga ito. Hindi naman niya masisi ang mga babae dahil may angking kaguwapuhan naman talaga ang anyong tao ng kaniyang kapatid. May pagkakahawig sila aa mata, matangos rin ang ilong nito at maputi ang balat na animo'y hindi nasisikatan ng araw. Balingkinitan ang pangangatawan ngunit hindi naman ganoon kapayat. Maiksi rin ang kulay itim nitong buhok kung kaya't kitang-kita ang mala-anghel nitong mukha.
Napabuntong-hininga si Liyab at inakbayan na si Esmeralda bago nagpatuloy sa paglalakad.
"Ayaw mo ba ng atensyong binibigay nila?"
"Hindi sa ayoko, pero hindi iyan mahalaga sa ngayon. Magpokus ka nga. Mamayang gabi, magsisimula tayong maronda. Tayo nina Dodong. Mas maigi kung mag-iibang rota tayo sa mga manunugis, hindi nila masasabayan ang bilis natin kaya tayo lang."
Napairap si Esmeralda. "Oo na, ang seryoso mo talaga kahit kailan." Napahalukipkip siya ng braso at natawa naman si Liyab.
Pagbalik nila sa bahay ni Ismael ay doon naman nila tinungo ang babaeng pasyente nito. Sinuri ito ng maigi ni Liyab at bahagya pang hinawakan ang mga kamay. Nangungunot ang mga noong napatingin siya kay Esmeralda dahil sa nararamdaman.
"Bakit, may problema ba?"
"Wala naman, maliban sa ang babaeng ito ay hindi lang punarusahan, kun'di ginawa ring kasangkapan ng mga itim na engkanto."
Akmang magsasalita pa sana siya nang marinig naman nila ang pagkatok sa tarangkahan nila.
"Sina Tiya Margarita yata ang dumating. Teka lang at pagbubugsan ko sila ng tarangkahan."
Paglabas ni Esmeralda ay nakita nga niya si Margarita kasama ang asawa nito. Nakangiti niyang pinapasok ang mga ito.
"Salamat, Esme. Mukhang abala kayo ngayon ah."
"Ah, opo Tiya Rita. Sige na apo pason ho muna kayo sa loob. Naghihintay na po sina lolo sa inyo."
Tinapik ni Rita ang kaniyang asawa at nagpatiuna na itong maglakad papasok.
"Kumusta ka na? Hindi ka na ba inaaway ni Ate Silma. Pagpasensiyahan mo na ang ate ha, ganoon lang talaga iyon."
"Maayos na kami ni Tiya Silma. Mabait na ho siya sa amin." Nakangiting tugon ni Esmeralda na ikinabigla pa ni Rita.
"Talaga? Aba, magandang balita mga iyan. O, siya, papasok na ako at medyo napagod talaga ako sa byahe." Wika nito sabaya talikod.
Pinagkibilit balikat lang naman ito ni Esmeralda at bumalik na rin sa loob ng kubo.